Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor (2023)

Unang nagtapos si King Bergonio, 36, ng Bachelor of Science in Chemistry sa Central Luzon State University noong April 2007.

Year 2007 din nang pumasa siya sa Chemist Licensure Examination.

Noong April 2011, nagtapos siya ng Master in Chemistry sa nasabi ring university.

Nagtapos naman siya ng Bachelor of Science in Agriculture sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program sa Pangasinan State University-Sta. Maria Campus noong August 2022.

Top 5 siya sa November 2022 Agriculturist Licensure Examination, at may rating na 85.67 percent.

Read also: Application para sa August 20 civil service exam, itinakda sa May 22-June 21

Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor (1)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tubong Cabuloan, Urdaneta City, Pangasinan, si King ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last April 20, 2023 via Facebook Messenger.

Kuwento niya, “Ang gusto ko po sanang kuning course ay veterinary medicine.

"Mahilig akong mag-alaga ng mga hayop noong bata pa ako gaya ng manok, kalapati at kambing.”

Dahil six years ang veterinary medicine at mahirap ang kalagayan ng kanilang buhay, nagdesisyon daw si King na four-year course na ang kunin "para makatulong agad sa aming magulang.”

Read also: Kyle Moseños, nasabihang “pogi lang iyan, pero hindi ga-graduate iyan,” twice naging board topnotcher

NAGTANIM, NAG-ALAGA NG HAYOP, NAGTIPID NANG TODO

Pag-amin ni King, dahil sa hirap ng kanilang buhay noon, kapos siya sa pang-tuition at allowance.

“Mabuti na lang po at libre ang tuition fee ko bilang isang Sangguniang Kabataan official.

“Sa allowance, tumutulong ako sa gawaing bukid at nagtatanim ng calamansi, gulay at palay every weekend at bakasyon upang meron kaming maibebenta.”

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor (2)

Read also: Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift

Nag-alaga rin siya ng mga kambing na ibinibenta niya kapag may malaking pagkakagastusan.

Dugtong niya, “At mga kalapati na naibebenta ko sa mga fanatics, sa kasalan, at iba pa.”

Sa university dormitory na rin siya tumira para makatipid sa upa sa boarding house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bilang kapalit, kami ay naglilinis around 3:00 a.m. to 4:00 a.m. sa buong campus araw-araw—nagwawalis, nagdadamo, etc.”

Aniya ay napakahirap ng mga subjects sa kursong chemistry. “Pagdating ng panahon ng thesis, financial din ang aming problema.”

Nagdadala siya ng bigas at gulay para hindi na bibili ng ilulutong pangkain.

“Kapag naubos na ang mga dalang supply, bumibili ako ng isang order ng ulam at kinakain ito ng dalawang meals. Kasama na po yung free sabaw.

“Pagtitipid po ang susi para maka-survive sa university, lalo na sa pagkain araw-araw.”

Read also: Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift

Nang maka-graduate, nag-stay muna si King sa university para magkaroon ng access sa library bilang paghahanda sa board exam.

“Pumasok ako bilang assistant sa Office of the Registrar sa aming College. Self-review ang ginagawa ko.

"At dahil nandoon po ako sa university bilang assistant, nagpapatulong ako sa aming professors upang mag-review at humihiram ako ng kanilang reviewers o anumang reference.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tulong ng pakikisama at pakiusap, malaki ang natipid ni King.

"Nakiusap din ako kami sa aming university na mag-stay nang libre sa aming liason office sa Manila sa panahon ng board exam.”

Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap: maluwalhati siyang nakapasa.

Read also: Van Gabriel Pineda, after malugi sa tapsi business, nag-Top 8 sa board exam.

NAGDESISYONG KUMUHA NG AGRICULTURE

Nagtatrabaho na si King bilang chemist sa Department of Agriculture-Regional Field Office I (Ilocos Region) nang kumuha siya ng agriculture.

Sabi niya, “Dahil nasa Department of Agriculture po ako, gusto ko rin na pagyamanin pa ang aking kaalaman sa larangan ng agrikultura.

“Hindi kasi maiiwasan na kung nagtratrabaho kayo sa DA ay tatanungin ka ng mga client o mga bisita na mga magsasaka, etc. tungkol sa larangan ng agriculture.

"Sa pamamagitan ng pagkuha ng BS Agriculture ay mapapalawak pa ang serbisyo na puwede nating maibigay sa ating clients.”

Aniya, nang mag-aral siyang muli ay na-overlwhelm siya sa dami ng nangyayari sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May one-year-old na anak na ako noon. Bukod sa trabaho at pag-aalaga ng anak, ongoing na din ang pagpapatayo namin ng bahay.”

Read also: Meet Francis Gubangco: Lumaki sa slum area, nagtiis sa PHP17 na baon, engineer na ngayon

Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor (3)

Hands-on siya sa constuction ng kanilang bahay—every weekend at holiday ay naghahalo si King ng semento, nagbubuhat ng hollow blocks at buhangin, at kung anu-ano pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit niya, “Ibig sabihin, limitado po ang aking naging oras sa pag-aaral.

“Sa pagkakataon na hindi matapos yung assignment, nakikiusap ako sa aming professor na mabigyan ng consideration.”

Read also: Board passer, inspirasyon si Sarah Geronimo para makatapos ng college, makapasa sa board exam

Marami ring pinagdaanan si King sa pagkuha ng board exam, “Dahil empleyado ako ng gobyerno, kailangang kumuha ng Ombudsman’s Clearance.

"Mahigit isang buwan bago ko po nakuha ang aking clearance. Dumating ito two days bago ang deadline sa pag-a-apply ng board exam.”

Sa huli, “conditionally accepted” din ang kanyang application.

Paliwanag niya, “Kinailangan po munang ma-evaluate ng Board of Agriculture dahil 18 units lamang ang aking nakuha sa BS Agriculture sa pamamagitan ng ETEEAP.”

Sinagad naman ni King ang pagre-review kapag bakante siya para walang masayang na oras lalo pa at weekends lang ang schedule nila sa review center, na halos isang subject sa isang araw ang phasing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Yalany Soliva, duda sa sarili, Top 4 sa nursing board exam

NANGARAP MAGING TOPNOTCHER

Kung noong kumuha siya ng chemist licensure examination ay hindi nangarap si King maging topnotcher, hinangad naman niya na maging Top 1 sa agriculturist licensure examination.

“Sa pagkakataong ito po ay talagang hinangad ko na maging Top 1 at ipinagdasal kong mabuti.

“Masayang-masaya ako nang nalaman ko na pumasa ako at nasa Top 5 pa!

“Nanlalamig po ang aking kamay habang yakap-yakap ang misis ko. Tuwang-tuwa po kami at hindi makapaniwala.

“Nagpasalamat at nagdasal ako sa Panginoon sa ibinigay Niyang karangalan bilang isa sa Top 10.”

Read also: Consuelo Caldosa, hindi akalaing Top 9 sa nursing board exam: “Blessing na po ang makapasa...”

Meet King Bergonio, chemist and Top 5 agriculturist; an achiever and a survivor (4)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inialay ni King ang tagumpay sa kanyang maybahay at sa kanilang anak.

Hindi rin niya nakalimutan ang ama na si Domingo T. Bergonio na pumanaw noong February 2021.

Aniya, "Lubhang napakalungkot po na hindi na niya nasaksihan ang aking tagumpay, ngunit alam kong nagdiriwang at proud na proud siya sa akin kung nasaan man siya.”

Sa ngayon ay connected si King sa Department of Agriculture- Regional Field Office I (DA-RFO I) bilang chemist, partikular sa Regional Feed Chemical Analysis Laboratory ng Integrated Laboratories Division (ILD).

Nagpasa na siya ng aplikasyon para sa posisyon ng Division Chief (Chief Agriculturist) ng ILD sa DA-RFO I.

Nag-apply rin siya sa PRC upang maging isang registered Food Technologist sa pamamagitan ng Republic Act 11052.

Umaasa si King na kung papalarin sa kanyang application bilang division chief sa kanilang opisina, magagamit at maa-apply niya ang lahat nang natutunan at mga naging karanasan bilang registered chemist, licensed ggriculturist, researcher at future registered food technologist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang payo niya sa mga kabataan, “Napakahalaga po na magkaroon tayo ng magandang pangarap sa buhay.

"Upang matupad iyon, kailangan ng determination, sipag, at tiyaga. Pagtuunan ng pansin at pagtrabahuhan natin ang ating pangarap.

"At huwag tayong susuko at mawalan ng pag-asa kung tayo man ay hindi palarin sa una o pangalawang pagkakataon. Timing is everything.

“Maging kuntento kung anuman ang meron na naibibigay ng ating mga magulang.

"Dumiskarte at gumawa ng paraan upang makatulong sa inyong mga magulang—sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-aaral na mabuti.”

Read also: Yvonne Olayvar, Top 7 sa Geology board exam: “Mama...pwede ka na pong mag-retire!”

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Horacio Brakus JD

Last Updated: 05/26/2023

Views: 5897

Rating: 4 / 5 (51 voted)

Reviews: 90% of readers found this page helpful

Author information

Name: Horacio Brakus JD

Birthday: 1999-08-21

Address: Apt. 524 43384 Minnie Prairie, South Edda, MA 62804

Phone: +5931039998219

Job: Sales Strategist

Hobby: Sculling, Kitesurfing, Orienteering, Painting, Computer programming, Creative writing, Scuba diving

Introduction: My name is Horacio Brakus JD, I am a lively, splendid, jolly, vivacious, vast, cheerful, agreeable person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.